-- Advertisements --

Handang-handa na si Filipino boxer Mark Barriga para sa paghaharap niiya kay Puerto Rican champion Jonathan Gonzales.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Hunyo 24, sa Florida, USA.

Halos apat na taon na kasi ng hindi nagkaroon ng major boxing match si Barriga.

Sinabi nito na lumaban siya sa Olympics para sa world title at siya ay ranked number 1 sa buong mundo.

Itinturing nito na mahalaga ang nasabing laban niya para sa kaniyang career.

Tinalo siya kasi ni Carlos Licona sa pamamagitan ng split decision noong 2018 para sa vacant IBF mini flyweight title.

Matapos ang pagkatalo ay namahinga ito at nagdesisyon na bumalik noong nakaraang taon.

Ang 28-anyos na si Barriga ay mayroong 11 wins, 1 talo at 2 knockouts habang si Gonzales ay mayroong 25 panalo, tatlong talo at 14 knockouts.