-- Advertisements --
image 98

Binigyang diin ni Department of National Defense (DND) chief Carlito Galvez Jr. na mahalaga na mapanatili ang maritime security sa Southeast asian region para sa patuloy din na paglago ng ekonomiya ng ating bansa para sa benepisyo ng mamamayang Pilipino.

Ginawa ng DND chief ang pahayag sa idinaos na Maritime Security Symposium na pinangunahan ng Philippine Navy sa Taguig city na nagsilbing guest-of-honor t speaker.

Bahagi ang naturang okasyon sa mga aktibidad ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy ngayong buwan at pagsisimula ng ika-17 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Navy chiefs meeting sa Mayo 10.

Ayon pa kay Galvez, sa nakalipas na limang dekada, nakagawa ng mahahalagang hakbang ang ASEAN sa pagtataguyod ng makabuluhang kooperasyon sa pagitan ng mga member state nito.

Nagsilbi din aniya ang ASEAN defense Minister’s Meeting at ADMM-Plus bilang pinakaproduktibong platforms para makapag-engage sa ibang bansa at makabuo ng innobative solutions para sa traditional at non-traditional concerns sa maritime domain.