-- Advertisements --

Aprubado na rin ng regional wage board sa Northern Mindanao ang P25 na karagdagang arawang sahod ng mga manggagawa.

Ito ay kasunod ng inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Northern Mindanao na Wage Order No RX-10 na naggagarantiya ng dagdag na arawang sahod na P25 sa oras na ito ay maging epektibo at karagdagang P15 hanggang P22 na ipapatupad sa December 16,2022.

Kaugnay nito, ang bagong minimum wage rates na ay P405 para sa non-agriculture sector at P393 naman para sa agriculture sector sa Cagayan de Oro, Iligan, Malaybalay, Valencia, Gingoog, El Salvador, at Ozamis at sa mga municipalities ng Tagoloan, Villanueva, Jasaan, Opol, Maramag, Quezon, Manolo Fortich, at Lugait.

Tataas naman sa P390 ang minimum wage ara sa non-agriculture sector at P378 para sa agriculture sector sa siyudad ng Oroquieta at Tangub at sa municipalities ng Laguindingan, Mambajao, Balingasag, and sa lahat ng lugar kabialng ang retail at service establishments na mayroong mahigit sa 10 manggagawa.

Liban pa sa karagdagng araang sahod, inaprubahan din ng regional board ang buwanang sahod ng mga kasambahay na P500. Kayat ang magiging bagong sahod ng mga kaasmbahay sa Northern Mindanao ay nasa P4,500 para sa mga nasa siyudad at first class municipalities at P3,500 naman para sa iba pang munisipalidad.

Nakatakda namang irevirew ng National Wages and Productivity Commission ang naturang wage order at sa oras na maarubahan ay magiging epektibo ito 15 araw matapos ang publication sa pahayagan.

Inaasahang nasa 152,924 manggagawa sa pribadong establishimento at 54,851 kasambahay ang mabebenipisyuhan ng dagdag na sahod sa N