-- Advertisements --
DOTR

Kinumpirma ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Hernan Fabia na kasalukuyang sumasailalim sa assessment ang maritime industry ng bansa.

Ito ay mula sa International Maritime Organization.

Ayon kay Fabia, ang isasagawang evaluation ng International Maritime ay upang matiyak na nakakasunod ang bansa sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers Convention.

Ang mga bansang nakapasa sa ilalim nito ay tinatawag na ‘white list’

Paliwanag ng opisyal na kung hindi makakapasa ang bansa, maaaring hindi na kikilalanin ng ibang mga bansa ang certificate na ibinibgay ng Pilipinas sa mga marino.

Kung nagkataon, aabot sa 179 ang bilang ng mga nasabing bansa.