Ramdam na ang lakas ng hangin at ulan ng tropical storm Maringsa ilang bahagi ng Northern Luzon, bago pa ang inaasahang landfall.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Signal No. 2:
Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur
Signal No. 1:
Natitirang parte ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands at Calaguas Islands