-- Advertisements --

Nangako ang Maritime Industry Authority (MARINA) na bubuhayin nila muli ang insurance claim ng mga biktima ng trahedya.

Ayon kay Marina Region 4 director Manny Carpio, nasulatan na nila ang insurance company kaya nakakagulat umano na hanggang ngayon ay walang natanggap na tulong ang mga biktima ng trahedya.

Ito ay kaugnay sa trahedya na kinasangkutan ng MV Mercraft 3 na lumubog nuong December 2017, limang taon na ang nakakalipas.

Hanggang sa ngayon kasi hindi pa nakukuha ng mga biktima ang tulong at hustisya para duon sa mga kaanak na nasawi sa trahedya.

Sinabi ni Carpio, dapat aniyang nakatanggap ng P200,000 ang mga namatayan habang tig-P50,000 naman ang dapat matanggap ng mga nasugatan.

Ayon kay Carpio, sisilipin ulit nila ang mga dokumento para matulungan ang mga biktima lalo’t nasangkot sa panibagong trahedya ang Mercraft.

Giit ni Carpio na mayruon na siyang instruction sa kanilang franchising officer na sulatan na ang Insurance Commision para maaksiyunan na ito.

Maalala na nitong Lunes ay nasunog ang MV Mercraft 2 kung saan 7 ang namatay at higit 100 ang iniligtas. Limang taon bago nito, tumagilid din ang MV Mercraft 3, kung saan pitong pasahero ang namatay.