-- Advertisements --

Inabsuwelto ngayon ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang dati nilang chief na si Robert Empedrad na nakalaklad sa isyu ng umanoy “illegal” appointments ngmga officers-in-charge (OIC) bago siya bumaba sa kanyang puwesto.

Sa statement na inilabas ng Marina, tahimik umanong bumaba sa puwesto si Empedrad noong Biyernes matapos matanggap ang kopya ng Office of the President (OP) Memorandum Circular No. 1 series of 2022) na nagdedeklarang lahat g presidential appointees at non-permanent positions sa gobyerno ay magiging bakante.

Hindi raw pumirma o nag-isyu ng ano mang dokumento si Vice Admiral Empedrad na nagde-designate ng Officers-in-Charge na mag-a-assume sa posisyon na idineklarang bakante.

Nanindigan ang Marina na ang opinyon ng isa o mas marami pang miyembro ng Alliance of Marina Employees (AME) ay hindi ibig sabihin na nagre-reflect sa posisyon ng grupo.

Klinaro rin sa statement na ang lahat daw ng empleyado ng Marina ay miyembro rin ng AME.

Kung maalala, noong Lunes nang lumabas ang report na pumupuna sa umano’y iligal na appoinment ng mga OICs na ginawa ni Empedrad.

Kabilang sa mga nakaladkad sa isyu ang umano’y appointees na sina dating deputy administrator for planning Sonia Malaluan bilang OIC administrator ng MARINA, dating director for shipyard regulation service Ramon Hernandez bilang OIC deputy administrator for operations, Arsenio Lingad bilang OIC deputy administrator for planning, division chiefs Harold Tarun bilang OIC executive director at Ronnie Gernato bilang OIC deputy executive director.

Noong Hulyo 1 naglabas ang office of the president ng Memorandum Circular No. 1 (2022) na nagdedeklarang bakante ang lahat ng mga co-terminus presidential appointees, appointees in positions na binuo sa pamamamagitan ng excess ng “authorized staffing pattern,” lahat ng non-Career Executive Service (CES) officials na nasa CES positions, contractual at casual employees sa gobyerno.