-- Advertisements --

Nag-anunsyo ang water concessionaire na Manila Water ukol sa mangyayaring water interruption sa ilang lugar sa Marikina City at Taguig City sa Metro Manila, pati na sa Rodriguez, sa lalawigan naman ng Rizal.

Magsisimula ito sa ganap na alas-10:00 ng gabi, Hunyo 5, 2020.

Sa Marikina City, apektado ang ilang lugar sa Brgy. Concepcion II, kung saan tatagal iyon mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga sa Sabado.

Sa Taguig City, apektado ang Brgy. Central Bicutan at Brgy. Bagumbayan, na tatagal mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Sa Rodriguez, Rizal naman, apektado ang ilang lugar sa Col. S. Cruz Street ng interruption, kung saan mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga ito iiral.

Ang water service interruption sa mga nabanggit na lugar ay bunsod ng gagawing emergency leak repair at pipe maintenance activities.