-- Advertisements --

Nasa 75 percent ng tapos ang isinasagawang pagsasaayos sa oval track ng Marikina Sports Center ilang linggo bago ang pagsisimula ng Palarong Pambansa.

Pagtitiyak ni Marikina Mayor Marcelito Teodoro na magiigng malinis, maayos at ligtas ang mga playing venue.

Mahigpit niyang iniinspeksyon ang nasabing ginagawang pagasasaayos ng Marikina Sports Center.

Magugunitang magsisimula sa Hulyo 31 ang pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center at susundan ng mga laro sa Agosto 1.