-- Advertisements --

Isang katao ang tinamaan ng COVID-19 sa Marikina City matapos na bahain ang lungsod dahil sa matinding ulan na ibinuhos ng Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, naka-isolate na ang 68-anyos COVID-19 patient, na evacuee sa Barangka Elementary School.

Nagnegatibo naman sa naturang sakit ang mga kaanak at lahat ng mga close contacts nito.

Bukod sa pagnanais na kaagad na silang makabangon kasunod ng naranasang kalamidad, sinabi ni Teodoro na ayaw na nilang madagdagan pa ang bilang ng COVID-19 cases sa kanilang lungsod.