-- Advertisements --

Itinigil na ng NBA ang marijuana testing sa mga manlalaro.

Ayon kay league spokesman Mike Bass, napagkasunduan nila ng mga manlalaro ang pagtigil ng marijuana testing dahil sa pandemic.

Itutuon na lamang nila ang atensiyon sa performance-enhancing product at mga droga na inaabuso.

Nauna ng itinigil ng NBA ang testing sa isinagawang bubble game nila sa Orlando.

Magugunitang ipinanukala ni NBA commissioner Adam Silver ang pagtanggal na ng marijuana testing dahil kung saa mayroong $25,000 na multa kapag pangalawang beses ng nagpositibo.