Ibinunyag ng aktres na si Maricar de Mesa na hiwalay na sila ng kanyang American boyfriend, na siyang ama ng one-year-old daughter niya.

Sa isang panayam, inihayag ng 38-year-old actress na naging magulo ang dalawang taon nilang relasyon subalit hindi naman masalimuot ang kanilang hiwalayan kung saan civil at mabuting magulang pa rin sa kanilang anak.

“Civil, co-parents, co-parenting. He’s doing his share, ganun, his part as a father, he’s doing it naman,” saad nito sa pep.

Si Maricar ay ang misis ng dating PBA player na si Don Allado bagama’t nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Nabatid na sa walong taong pagiging mag-asawa ng dalawa, hindi sila nabiyayaan ng anak kahit sumailalim na sa in-vitro fertilization.