Ibinunyag ng negosyante at actor na si Jose Sarasola na hiwalay na sila ng nobyang Japanese star Maria Ozawa.
Sinabi nito na ang pagiging malayo sa isa’t-isa ang siyang naging malaking pagsubok sa kanilang limang taon na relasyon.
Dahil aniya sa COVID-10 kaya sila nagkaroon ng mahabang panahon na hindi magkita at magkasama.
Noong nakaraang Disyembre 2021 ng magkasundo sila na maghiwalay ng landas.
Paglilinaw nito na wala silang anumang pinag-awayan at third party.
Hindi kasi nila inasahan na magiging mahirap ang pakikipagrelasyon ngayong pandemiya.
Kuwento pa nito sa unang tatlong buwan ng magsimula ang pandemya noong 2020 ay halos araw-araw silang nagtatawagan sa telepono hanggang nahirapan na silang dalawa.
Pagtitiyak nito na nananatili pa rin silang magkaibigan.
Magugunitang nagsimula ang relasyon nila noong 2017.