Pasok na sa semifinals ng Street League Skateboarding Global Qualifiers si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal.

Ito’y matapos na angkinin ni Didal ang ikawalong puwesto sa quarterfinal round ng nasabing torneyo na kasalukuyang ginaganap sa Sao Paulo, Brazil.

Sa anunsyo ng Philippine Sports Commission, nagtala si Didal ng 11.1 points.

Nanguna naman sa paligsahan ang Japanese skateboarder na si Aori Nishimura na naglista ng 18.6 marka.

Una nang sinabi ng 20-year-old cebuana skater na kumpiyansa itong makakatipon ito ng qualifying points para sa tokyo olympics sa susunod na taon.

Samantala, ang isa pang pinoy na si daniel ledermann ay inokupahan ang ika-56 puwesto sa 110 male skaters sa buong mundo.