-- Advertisements --

Marex

Nagsimula na ang joint military exercise o ang “MAREX 2022 PH” sa pagitan ng mga sundalong Marines at ng kanilang US Marines counterpart sa probinsiya ng Tawi-Tawi.


Ang nasabing exercise ay pinangunahan ng Marine Ready Group (MRG) Tawi-Tawi sa pamumuno ni Col. Nestor Narag na siya ring Deputy Brigade Commander ng 2nd Marine Brigade.

Ayon kay 2nd Marine Brigade Commander, BGen. Romeo Racadio, sa unang araw ng bilateral exercise kasama ang kanilang USMC counterpart ay nagkaroon muna ng “meet and greet” sessions kung saan isa isang ipinakilala ang mga participants.

marex3

Nagkaroon din ng mga lectures mula sa mga experts kung saan tinalakay ang VBBS special equipment and procedures, RHIB TTPs, capability brief, safety procedures, at planning processes na may kaugnayan sa joint military trainings.

Natapos ang unang araw sa pagsasagawa ng rehearsals, Field Training Exercises at After Action Review and debriefings.

Inihayag din ni Racadio na bilang compliance sa bio-safety protocols laban sa COVID 19 at para sa kaligtasan ng lahat ng participants, isinailalim ang lahat ng participants sa mandatory antigen test ng Forward Medical Team.

marex2

” Lectures and orientations among the participants relative to adherence of safety and strict observance of COVID-19 guidelines and protocols was also conducted,” pahayag ni BGen. Racadio.