-- Advertisements --

Kinumpirma ng kampo nina dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanilang pag-tandem sa 2022 elections.

Kapwa naglabas ang dalawa ng kanilang pahayag para kumpirmahin ang nasabing tandem sa halalan.

BBM sarah

Ayon sa kampo ng dating senador na tila natawid na nila ang proseso ng tambalang inaasam ng kanilang mga supporters para sa BBM-SARA sa 2022.

Naglabas naman ng video ang Davao City mayor at sinabing nakipag-alyansa ang kanilang partido at humingi ng suporta kay Marcos matapos ang tanggpin nito ang hamon ng mga suporta.

Inamin din ni Davao City mayor na tinanggihan ni ruling party na PDP-Laban ang planong pag-alyansa niya kay Marcos.

Ito ang unang pagkakataon na inamin ni Mayor Sara ang kanilang tandem sa May 9, 2022 elections mula ng maghain ito ng kandidatura sa ilalim ng Lakas-CMD mula sa dating partido nito na Hukbong ng Pagbabago.

Si Marcos na tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay agad na dinala si Duterte-Carpio para maging bise presidente nila matapos na gawing pormal na ang kanilang kandidatura.