-- Advertisements --

Pabibilisin ng Marcos government ang paggastos sa mga darating na quarter para mabawi ang momentum kasunod ng 4.3 percent economic expansion ng ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter ng taong ito.

Sa joint stament nitong Huwebes, sinabi ng mga economic managers na sa ikalawang quarter, ang 4.3 percent gross domestic product (GDP) growth ay bunsod sa pagtaas ng tourism-related spending and commercial investments subalit nahadlangan ito dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin, epekto ng pagtaas ng interes, pagliit sa paggasta ng gobyerno, at mas mabagal na paglago ng ekonomiya sa buong mundo.

Ang Economic Team ay binubuo ng mga opisyal mula sa Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa kasalukuyan tinatalakay na ng Economic Development Group (EDG) kung paano i expedite ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa loob ng isang taon.

Hinihikayat naman ang mga government agencies na bumuo ng mga plano para mapadali ang implementasyon ng mga programa.

Para tugunan ang impact ng mga nagdaang bagyo at habagat, inirekumend ang agarang paggamit ng Quick Response Fund (QRF) at iba pang disaster-related budgetary instruments ng gobyerno.

Ayon sa mga economic managers, patuloy ang pagbaba ng inflation sa bansa nitong nagdaang mga buwan, kaya hindi sila titigil na magpatupad ng mga intervention ng sa gayon mapanatili ang price stability sa kabila ng mga banta ng bagyo, El Niño, trade tensions, at pagpapatupad ng export bans sa ibang bansa.

Nagpahayag din ng optimismo ang mga economic managers sa malakas at positibong mga prospect ng ekonomiya ng Pilipinas, sa paniniwalang maaari nitong mapanatili ang momentum ng mga unang tagumpay nito.