Patuloy pa rin ang pag-apela sa ilalim ng Marcos adminsitration para sa clemency ng Pinay worker na nasa death row na si Mary Jane Veloso dahil sa kasong drug trafficking sa Indonesia.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega, maging ang Indonesian Human Rights Commission at grupo ng mga kababaihan ay suportado ang panawagan ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang naturang pahayag ng DFA official ay matapos nitong kumpirmahin na tumulong ang Philippine Embassy sa Jakarta na mabisita si Veloso ng kaniyang pamilya sa Indonesia.
Nakaantabay din ang Indonesian National Commission on Human Rights sa Pilipinas kaugnay sa development sa kasong illegal trafficking laban sa recruiters ni Veloso na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao na nagbigay ng suitcase na naglalaman ng iligal na droga kay Veloso habang nasa Malaysia.
Nauna ng hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang dalawang recruiters.