-- Advertisements --
Mararanasan ngayong araw ng Miyerkules, Marso 20 ang March Equinox o tawag sa panahon kung saan halos magkasinghaba ang araw at gabi.
Ayon sa state weather bureau, nangyari ang equinox dakong 11:06 kaninang umaga kung saan direkta ng nakaharap ang equator ng mundo sa araw na lumilikha ng halos pantay na haba ng araw at gabi.
Sumikat ang araw ngayong Miyerkules sa may silangan at lulubog sa may kanluran.
Sa Pilipinas, sumikat ang araw kaninang 6am at lumubog nitong 6:07 pm kayat naranasan ang 12 oras at 7 minutong haba ng araw.
Ang mga lugar naman na nasa northern hemisphere ay nakaranas ng unang araw ng tagsibol habang unang araw naman ng taglagas sa southern hemisphere.