-- Advertisements --

Naniniwala ang isang dating OFW na hindi na kailangang pang mangibang bansa ng mga Overseas Filipino Wokers (OFWs) kung dito pa lamang sa Pilipinas ay mayroon ng maayos na trabaho o malaking sahod para sa mga Pilipino, lalo na kung tatanggalin ang restriction sa economic provision sa 1987 Constitution.

Ito ang inihayag ng dating OFW na si Orion Dumdum sa pagpapatuloy ng hearing ng Committee of the Whole.

Ipinaliwanag ni Dumdum na kung tanggalin ang mga naka-angklang restrictions sa Konstitusyon, inaasahan aniya na magkakaroon ng increase sa foreign investments, magkakaroon ng maraming trabaho at maaaring hindi na aalis ng bansa ang mga OFWs para magtrabaho sa ibayong dagat.

Aniya hindi na kakailanganin pang mangibang-bansa ang mga Pilipino kung mayroon naman maayos at malaking sahod dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga papasok na “foreign companies” at mangyayari lamang ito kung aalisin ang nasabing restrictions.

Si Dumdum ay inimbitahan ng Committee of Whole bilang resource person.

Ipinapanukala ni Dumdum na tanggalin talaga ang restrictive economic provisions sa Constitution ng sa gayon lalago ang ekonomiya ng bansa.

Aniya maging ang Joint Foreign Chambers ay pabor sa pag amyenda sa Saligang Batas.

Sinabi ni Dumdum ang ibig sabihin ng economic liberalization ay mas maraming foreign investment at ang mga OFWs ay makakauwi na ng bansa.

Ayon kay Dumdum sa ibang bansa welcome ang mga foreign investors subalit dito sa Pilipinas ay hindi.