-- Advertisements --
Magkakahalong petisyon ng taas-pasahe ang pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na pinag-aaralan nilang isa-isa ang bawat petisyon ng taas pasahe na inihahain sa kaniyang opisina.
Kinumpirma rin ito na sa susunod na linggo ay maghahain rin ng petisyon ng taas-pasahe ang grupo ng mga buses.
Magugunitang maraming mga transport group ang naghain na ng taas-singil sa pasahe dahil sa lingguhang taas presyo ng mga langis.