-- Advertisements --

Nararamdaman ng mas maraming mga Pilipino na sila ay ligtas sa kanilang mga bahay at komunidad.

Ito ang lumabas sa resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research.

Maliban dito, nararamdaman din umano ng nakararaming Pilipino na sila ay ligtas habang naglalakad mag-isa kahit gabi.

Batay sa resulta ng nasabing survey, 91% ng mga residente mula sa National Capital Region at Balanced Luzon ang nagsabi na ligtas sila sa kanilang mga komunidad.

Kabilang din sa mga lugar na nakitaan ng mataas na porsyento ng mga respondents na nagsabing ligtas sila sa kanilang mga komunidad, ay ang Cordillera Administrative Region, at MIMAROPA Region.

Samantala, sa katanungan kung ligtas ba ang mga ito sa kanilang mga bahay, 71 % ang nagsabi na nararamdaman nilang ligtas sila, habang 10% lamang ang nagsabi na hindi nila nararamdaman ang kaligtasa.

Pinakamataas pa rin dito ay mula sa Balanced Luzon na nasa 84% habang ang mga respondents mula Visayas ang may pinakamataas na bilang ng mga nagsabing hindi nila nararamdaman na ligtas sila.

Kalakip ng nasabing survey ay ang tanong kung naniniwala ba ang mga respondents na ligtas sila mula sa ilegal na droga.

Batay sa naging resulta, halos 50% ng mga respondents ang nagsabing nabubuhay sila sa mga neighborhood na ligtas mula sa illegal drugs trade. 23% naman ang nagsasabing apektado ng ilegal na droga ang kanilang ginagalawang komyunidad.