Iniulat ng Department of Agriculture-Bantay Presyo na nakasunod ang karamihan sa mga palengke sa Metro Manila sa unang araw ng pagpapatupad sa Executive Order 39 na naktatakda ng price cap sa well-milled at regular milled rice.
Ilan sa mga tinukoy ng DA na merkado ay ang Guadalupe Public Market sa Makati, San Andres Market, Quinta Market, at Pritil Market sa Maynila, kasama rin ang Marikina Public Market, Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa, Pasig City Mega Market, at Muñoz Market sa Quezon City.
Natukoy ng DA ang mga naturang pamilihan sa pamamagitan ng paglilibot sa buong Metro Manila upang imonitor ang pagpapatupad sa naturang order.
Sa kabila nito, sinabi rin ng ahenisya na may mga retailers na nagbebenta pa rin ng mas mataas kumpara sa P45.00 na itinatakda ng EO ni PBBM.
Kabilang na dito ang P48.00 per kilo na ibinebenta sa ilang palengke.
Gayonpaman, hindi pa naman umano pagmumultahin kaagad ang mga ito, bagkus ay pagsasabihan muna, kasabay ng mas malawakang information campaign na kanilang gagawin kaugnay sa pagpapatupad ng price cap/
Kahapon nang opisyal na nagsimula ang executive order ni PBBM, na may layuning makontrol ang labis na pagtaas sa presyo ng dalawang pangunahing klase ng bigas sa mga pamilihan.