-- Advertisements --
image 84

Matapos ang kontrobersyal na desisyon ng MMDA na bawal sumilong sa mga underpass ang mga mananakay ng mga motorsiklo, marami na umano ang mga gasoline station sa Metro Manila na nagbigay ng commitment na magpapatayo ng mga karagdagang temporary shelter.

Ang mga temporary shelter, ang siyang magagamit bilang alternatibong silungan ng mga mananakay ng dalawang gulong sa buong kamaynilaan.

Ayon kay MMDA Director for Traffic Atty Victor Nuñez, kasalukuyan na rin nilang isinasapinal ang konkretong design na maaaring gamitin ng mga gasoline station sa kanilang ipapatayong mga shelter.

Ito ay upang hindi ito lalong maging dahilan ng mabigat na trapiko dahil sa kumpulan ng mga riders.

Sa pamamagitan din ng maayos na shelter design ay mas matitiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Ayon kay Atty Nunez, marami nang mga gasoline station ang sa ngayon ay naghihintay na lamang ng aktwal na disensyo upang matukoy kung gaano kalawak na espasyo ang kanilang ilalaan para rito.