-- Advertisements --
Naniniwala ang 83% na mga Filipino na natapos na ang matinding pinsala ng COVID-19 pandemic.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na mayroong 16% na mga Filipino ang nagsabing hindi pa natatapos ang matinding epekto ng pandemiya.
Isinagawa ang face-to-face survey mula Abril 19 hanggang 27 na kinabibilangan ng 1,440 na Filipinos na edad 18 pataas mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Mas mataas aniya ang nasabing resulta ng survey kumpara noong 2021 na mayroong 80 percent.
Lumabas din sa survey na 88% ng mga Filipinos ang nababahala kapag dinapuan sila ng COVID-19.