-- Advertisements --

Kinondina ng maraming bansa ang ginawang pag-atake ng Houthis rebel ng Yemen sa iba’t-ibang bahagi ng Saudi Arabia.

Tinamaan ng missiles ng Houthi ang oil facilities ng Abha, Najran at Jizan ganun ang airbase sa Khamis Mushait.

Sugatan naman sa insidente ang 73 katao kabilang ang mga bata at kababaihan.

Pinangunahan ng United Nations ang pagkondina kung saan hindi na dapat madamay pa ang mga sibiliyan habang ang Qatar ay labis na nabahala dahil sa paglala ng nasabing atake.

Habang ang Bahrain ay binatikos ang Houthi rebels na dapat managot ang mga ito.

Nagpahayag naman ng Russia ng kahandaan para mamagitan sa labanan ng Saudi Arabia at Houthi Rebel.