-- Advertisements --
Nanawagan ng panibagong halalan si Israel cabinet minister Gadi Eisenkot.
Kasunod ito sa lumabas na ulat na maraming mga mamamayan nila ang nawalan na ng tiwala kay Prime Minster Benjamin Netanyahu.
Maraming mga mamamayan ng Israel ang tila nawalan ng tiwala kay Netanyahu lalo na sa paghawak nito sa giyera sa Hamas.
Sinabi ni Eisenkot na isasagawa ang halalan sa mga susunod na buwan para mabago ang pagtitiwala sa namumuno.
Paglilinaw nito na hindi magkakaroon ng hadlang ang nasabing halalan sa patuloy na nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.










