-- Advertisements --

May mga kaniya-kaniyang alok na libreng sakay ang iba’t-ibang local government units sa Metro Manila sa susunod na linggo.

May kaugnayan ito sa pagiging kasado na sa susunod na linggo ang isang linggong transport strike ng mga transport group na komokontra sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno.

Karamihan sa mga LGU ay nagtalaga ng libreng sakay gamit ang kani-kanilang mga government vehicles.

Nais kasi ng mga ito na tuloy pa rin ang trabaho ng kanilang mamamayan na maapektuhan ng nasabing tigil pasada.