-- Advertisements --

Maraming katao ang nasugatan matapos ang pagbagsak ng parking garage sa lower Manhattan sa New York.

Ayon New York emergency officials na bigla na lamang bumigay ang ikalawang palapag ng garahe.

Itinakbo naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Maraming mga sasakyan na nakaparada doon ang nasira dahil sa insidente.

Habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.