-- Advertisements --

Marami ngayon sa mga jobseekers ang hindi lamang hangad ang magkaroon ng stable job at sa halip ay magkaroon ng work-life balance.

Ayon sa ginawang bagong pag-aaral ng Jobstreet na 73 percent ng mga Filipino jobseekers na kanilang na-survey ang nais na magkaroon ng stable job na mayroong work-life balance.

Nagkaroon aniya ng mga pagbabago ang job seekers bunsod ng COVID-19 pandemic kung saan nakita nila ang kahalagahan ng mental health.

Sinabi pa ni JobStreet Philippines Country Manager Philip Gioca na kahit gaano kalaki aniya ng sahod kung toxic naman ang trabaho ay hindi kinkagat ito ng mga jobseekers.

Ang nasabing pag-aaral ay sumailalim sa survey ang 97,324 respondents mula sa Pilipinas, Indonesia, Hong Kong, Malaysia, Singapore at Thailand.