-- Advertisements --

Nailigtas ng mga rescuers ang ilang katao na naipit sa gumuhong gusali ng Chishang, Taiwan matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol.

Nasa 20 pasahero rin ng train ang inilakas matapos na madiskaril ito sa riles.

Unang naitala ng US Geological Survey (USGS) ang magnitude 7.2 hanggang ma-downgrade ito ng 6.9.

Agad naman na pinakilos ni President Tsai Ing-wen ang kaniyang Central Emergency Operation Center matapos ang lindol kung saan pinayuhan nito ang mga mamamayan na maging mapagmasid dahil sa inaasahan ang aftershocks.

Aabot sa 110 na sundalo ang ipinakalat sa Hualien county para tumulong sa disaster relief efforts.