-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na marami ng bansa ang nangako o nag pledge ng tulong sa Pilipinas para sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang bagyo.


Ayon kay NDRRMC spokesperson Dir. Peter Paul Galvez, na marami ng mga foreign countries ang nangako ng tulong sa Pilipinas.


Sinabi ni Galvez, ang Department of Foreign Affairs ang tumatanggap ng pledges na foreign aid mula sa ibat ibang bansa.

” For the Foreign aid there are pledges at the moment and then ang nandito lang kasi yung sa AHA center the boxes, those are the boxes that we saw yesterday being loaded well already in the ship sa 601 ship yung may nakasulat na ASEAN Contain complete package may food and konting damit blankets and water in those boxes so we have that in the country and there are more pledges coming in,” pahayag ni Dir. Galvez.

Tiniyak naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa publiko.

Lalo na ngayon, matatagalan pang manatili sa state of calamity ang buong rehiyon ng Luzon, lalo na at napakaraming lugar ang naapektuhan dahil sa hagupit ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Galvez, target ng pamahalaan na maibalik na sa normal ang lahat maging ang pamumuhay ng mga tao.

Ngayong nasa state of calamity ang buong Luzon, hinimok ang mga LGUs na hindi apektado ng mga nagdaang bagyo na tulungan ang mga Local Government Units na apektado ng kalamidad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang calamity fund.

Hindi pa masabi ni Galvez kung hanggang kailan isailalim sa state of calamity ang buong Luzon.

Ginagawa na rin ng gobyerno ang lahat para matulungan ang mga kababayan nating makabangon muli.

Sinabi ni Galvez, ang Department of Foreign Affairs ang tumatanggap ng pledges na foreign aid mula sa ibat ibang bansa.

Sa ngayon walang tigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghatid ng tulong para sa ating mga kababayan sa Cagayan valley at Isabela at maging sa iba pang rehiyon na sinalanta ng bagyo.

” With the state of calamity with more funds coming in more resources are to be spent and to be released para maging mapabilis yung recovery nila makapagtayo agad sila ng mga bahay nila maayos nila yung wate system nila at maibalik yung livelihood nila para continous yung economic activities in this towns,” pahayag ni Galvez.