-- Advertisements --

Naglabas na ng travel warnings ang maraming airline companies sa US dahil sa banta ng dalawang malakas na bagyo.

Magdadala rin ang dalawang malakas na bagyo ng makakapal na yelo sa malaking bahagi ng Dakota at Michigan.

Inaasahan rin ang west coast storm na tatama mula Seattle hanggang southern Los Angeles na magdadala rin ng makapal na yelo.

Ayon pa sa National Weather Service ng malawakang pagbaha sa Sacramento at Oregon border.

Nawalan na rin ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Southern California matapos matabunan ng yelo ang mga poste ng kuryente.