-- Advertisements --
Nasa ‘excellent’ condition na si dating football star Diego Maradona matapos na ito ay operahan.
Tinanggal kasi ng mga doctor ang blood clot sa kaniyang utak nitong nakaraang mga araw.
Ayon sa kaniyang doktor na si Leopoldo Luque, na gumaganda na ang kalagayan nito.
Ipinagpipilitan pa niyang umalis na sa Olivos clinic sa Buenos Aires subalit kailangan pa itong mamahinga.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagdiwang pa ito ng ika-60 na kaarawan subalit nitong nakaraang araw ay itinakbo siya sa pagamutan at ito ay inoperahan.