-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Argentina ang personal na doctor ng namayapang football legend Diego Maradona.

Ayon sa prosecutors ng San Isidro sa Buenos Aires, kanilang nilusob ang klinika at bahay ni Leopoldo Luque para makahanap ng ebidensiya ng kapabayaan.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa pangamba ng tatlong anak nitong babae na sina Dalma, Gianna at Jana tungkol sa natanggap nitong sakit sa puso.

Nangangalap umano ang mga otoridad ng ebidensiya at kanilang nakausap na rin ang mga saksi sa nasabing insidente.

Magugunitang pumanaw ang 60-anyos na football legend matapos na ito ay atakehin sa puso.