-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Comelec-11 ang matiwasay na pagsasagawa ng plebisito sa Compostela Valley ngayong Sabado, Disyembre 7, kung saan papalitan na ang pangalan ng lalawigan ng Davao de Oro.

Ayon pa kay Atty. Remlane Tambuang, regional election director IV ng Comelec-11, na handa na sila at nakipag-ugnayan na rin sa mga barangay ng lalawigan na sakop ng isasagawang plebisito.

Nanawagan na lamang ang opisyal sa mga residente ng 261 barangays sa lalawigan na bomoto sa 276 polling centers.

Magsisimula ang plebisito ng alas-7:00 ng umaga at matatapos ng alas-3:00 ng hapon kung saan aasahan na boboto ang 410,261 na mga residente.

Samantala, nakahanda na rin ang Police Regional Office (PRO) 11 sa ipapatupad na seguridad sa lalawigan.