Maaaring makaranas ng “dangerous” heat indices ngayong Linggo, Abril 21, ang nasa 12 lugar ayon sa State weather bureau.
Ang nasa 42 hanggang 51°C ay kinokonsiderang mapanganib ayon sa state weather bureau, dahil maaaring itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion sa katawan, gayundin ng heat stroke kung ma-expose ito sa loob ng mahabang panahon.
Maaaring maramdaman ang heat index na 44°C ngayong araw sa Dagupan City, Pangasinan; Aborlan, Palawan; at Roxas City, Capiz.
Sa Puerto Princesa City, Palawan at Guiuan, Eastern Samar, nasa 43°C heat index naman ang posibleng maramdaman, habang 42°C naman sa Bacnotan, La Union; Tuguegarao City, Cagayan; Aparri, Cagayan; San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; at Catarman, Northern Samar.
Pinayuhan ng state weather bureau ang publiko na iwasan lumabas ng bahay sa oras na 10 a.m. hanggang 4 p.m., at laging uminom ng tubig.