Kinilala ng Bloomberg si real estate tycoon Manny Villar bilang pinakamayamang tao sa Pilipinas base sa kanilang inilabas na Billionaires index.
Base sa Bloomber index, si Villar, na ama ni Public Works Sec. Mark Villar, ay mayroong total net worth na $6.72 billion o humigit kumulang P232 billion.
Si Villar, na dating senador, ang siyang tanging Pilipino na napasama sa listahan ng Bloomberg ng mga mayayamang tao sa buong mundo.
Nakuha ni Villar ang 383rd na puwesto sa tinaguriang 500 world’s richest people.
Bumaba ang puwesto ni Villar kung ikukumpara naman sa nakuha nito noong nakaraang taon kung saan siya ang 260th placer.
Nanguna sa listahan si Tesla Inc. founder Elon Musk na may net worth na $195 billion, na sinundan naman ni Jeff Bezos ng Amazon na may net worth na $185 billion.
Pangatlo sa listahan si Bill Gates na may net worth na $134 billion.
Pasok din sa Top 5 sina Bernard Arnault at Mark Zuckerberg na may net worth na $116 billion at $102 billion bawat isa.