Nag-anunsyo ng mga plano ang Manila Water upang matiyak ang pagpapatuloy ng supply ng tubig sa mga lugar ng serbisyo nito sa labas ng Metro Manila sa pamamagitan ng operating subsidiary nito na Manila Water Philippine Ventures.
Ito ay dahil ang El Niño ay inaasahang makakaapekto sa buong Pilipinas at magdadala ng mas kaunting ulan hanggang sa susunod na taon
Sa kasalukuyan, ang water firm ay may operating units sa ilang lungsod at probinsya sa buong bansa:
Metro Ilagan Water, Calasiao Water, North Luzon Water, Clark Water, Bulakan Water, Obando Water, Laguna Water, at South Luzon Water sa Luzon; Boracay water, Calbayog Water, at Cebu Water sa Visayas; at Tagum Water sa Mindanao.
Ang isang division ng Manila Water Philippine Ventures, Estate Water Group, ay nagbibigay ng mga operasyon sa supply ng tubig at mga serbisyo ng wastewater para sa mga pribadong ari-arian sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga developer.
Dagdag dito, ang sentro ng bawat plano, ay naka-foucs sa pagpapatupad, pagpapaunlad, at pagpapasigla ng mga alternatibong mapagkukunan ng tubig.
Una na rito, ang Manila Water ay kumikilos nang husto at ginagawa ang tungkulin upang ihanda ang mga operasyon nito bago pa man magsimula ang El Niño sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Non-Revenue Water recovery program nito.