-- Advertisements --

Hinimok ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr., ang mga kapwa mambabatas na ipasa na ang batas na nagbabawal sa operasyon ng POGO sa bansa.

” We will celebrate when the whole House follows suit, and the Senate passes its own counterpart measure. Until then, tuloy ang trabaho para makakumbinsi ang ating mga kasama na dapat ipagbawal na ang POGO,” pahayag ni Abante.
Reaksiyon ito ni Abante matapos aprubahan ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang nagbabawal na sa operasyon ng Philippine Offshore Gambling Operators na mag-operate sa bansa.

Ayon kay Rep. Abante isa sa may akda ng House Bill No. 5082, ang mga kumpletong pagdinig ay isinagawa ng parehong kamara ng kongreso at natukoy ang napakaraming ebidensya na nagsasabi na ang POGO ay nakakasama sa ating lipunan hindi lamang sa China.

Binigyang-diin ng beteranong mambabatas na ang Pilipinas ay hindi dapat umakto bilang kakontiyaba o kasabwat sa mga gambling firms na naghahanap ng mga paraan upang maibsan ang mahigpit na batas ng China sa pagsusugal.

Ipinunto ni Abante ang sa pamamagitan ng pagpayag sa mga POGO na mag-operate sa bansa, ang Pilipinas ay nagsasampa ng isang krimen at nagbibigay ng paraan para sa mga POGOS na iwasan ang mga batas ng China.

” I pray my fellow legislators follow the lead of the Games Committee. If we vote with our heads, our hearts and our consciences, then I am confident we well be able to pass an law banning POGO once and for all,” pahayag ni Abante.