Pinayagan ng Manila Regional Trial Court na makapaglagak ng piyansa ang anim sa inakusahang nasa likod ng pagkawala ng anim na sabungero.
Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon, na itinakda sa P3 milyon ang piyansa sa bawat isa o katumbas ng P500,000 ng bawat kaso ng nawawalang tao.
Ang mga akusado ay kinilala na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnny Consolacion, at Roberto Matillano Jr.
Nahaharap ang mga ito ng six counts ng kidnapping and serious illegal detention dahil sa pagkawala ng mga biktimang sabungero na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, and brothers James Baccay at Marlon Baccay.
Naganap ang insidente noong Enero 12, 2022 dakong ala-1 ng hapon ng umalis ang mga biktima sa Tanay, Rizal patungo sa Manila Arena kung saan sila umano ay sapilitang isinakay sa gray na van dakong ala-7:30 ng gabi.