Sinibak ni Manila City Mayor Isko Moreno ang station commander ng Manila Police District sa bahagi ng Lawton dahil sa ilang kapabayaan umano sa lugar.

Nabatid ni Moreno sa ginawang inspeksyon na tila naging malaking kubeta na ang paligid ng Lawton na katabi lang ng city hall.

Partikular na rito ang Bonifacio Shrine dahil sa mapanghi at masangsang umano na amoy sa bisinidad nito.

Tinawag ng alkalde ang pansin ni MPD chief Senior Supt. Vicente Danao Jr. para i-relieve sa pwesto ang station commander ng Lawton Police Precinct.