-- Advertisements --

Personal na ininspeksyon ni Manila Police District Director PBGen. Arnold Santiago ang Mendiola ilang araw bago ang pagdiriwang ng araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Layon nito ay para paghandaan ng MPD ang posibleng pagsasagawa ng kilos protesta sa nasabing lugar.

Dagdag pa nito na pinatitiyak niya sa kaniyang mga tauhan na protektahan ang executive branch ng government para hindi maapektuhan ang kanilang aktibidad.

Kabilang sa kaniyang ininspeksyon ay ang mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng Palasyo ng Malacanang.

Una ng lumabas ang ulat na may ilang grupo ang nakatakdang magsagawa ng kilos protesta sa Hunyo 12.

Subalit wala pang natatanggap ang Philippine National Police na mga banta ng destabilization sa nasabing araw.