-- Advertisements --
MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR PBGEN ANDRE DIZON

Kumasa rin sa hamong magbitiw sa puwesto ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. si Manila Police District director PBGEN Andre Dizon.

Ito ay bilang tugon pa rin sa naging panawagan ni Abalos sa lahat ng mga senior officers ng Philippine National Police mula sa full-pledged colonel at generals na magsumite na ng kanilang courtesy resignation.

Ngayong umaga ay pinangunahan ito ni Dizon kasabay ng kaniyang pagpapahayag ng buong suporta sa hakbang na ito ng Interior
Department na layuning malinis ang hanay ng buong kapulisan pagdating sa illegal na droga.

Kung maaalala, mismong si PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang unang-unang nagsumite ng courtesy resignation kasama sina Deputy Chief for Administration PLT. Gen. Rodel Sermonia, at Deputy Chief for Operations PLT Gen. Benjamin Santos.

Kahapon ay nagsumite na rin ang lahat ng heneral at koronel ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, sa pangunguna naman ng director nito na si PBGEN Ronald Lee.