-- Advertisements --
image 252

Magpapakalat ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng mga emergency vehicle at electric tricycle para magbigay ng “Libreng Sakay” sa mga commuters na maaaring ma-stranded dahil sa nalalapit na transport strike sa Lunes, Oktubre 16.

Ang naturang strike ay pangungunahan ng transport groups Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) and Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela).

Nagpoprotesta sila para sa mandatory jeepney franchise consolidation, na nakatakdang deadline sa Disyembre 31.

Ilang paaralan at unibersidad na sa Metro Manila ang nag-anunsyo ng kanilang paglipat sa online classes sa gitna ng welga.

Sinabi ng city government na ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay nakikipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) upang subaybayan ang nalalapit na transport strike.

Sinabi nito na ang mga emergency vehicle ay ilalagay sa mga lugar na apektado ng transport strike