-- Advertisements --

Inanunsiyo ng K-pop group na Blackpink ang kanilang pagbabalik concert sa bansa.

Sa kanilang social media account ay isinagawa ang anunsiyo ng mga petsa ng kanilang “Born Pink” world tour.

Magsisimula ito sa Seoul sa Oktubre 15 and 16 at iikot sa US at Europe hanggang sa katapusan ng taon.

Pagdating ng 2023 ay babalik sila sa Asya na magtatanghal ang mga ito sa Bangkok, Hong Kong, Riyadh at Abu Dhabi.

Sa buwan naman ng Marso 2023 ay kabilang ang Manila na kanilang tutunguhin bukod sa Kuala Lumpur, Jakart at Kaohsiung.

Nakatakdang maglabas kasi ang grupo ng kanilang bagong album sa buwan ng Setyembre matapos ang pagpapatikim ng kanilang album na may titulong “Pink Venom”.

Binubuo nina Jennie, Rosé, Lisa at Jisoo kugn saan ipinagdiwang nila kamakailan ng kanilang ikaanim na taon na pagsasama.