-- Advertisements --
Itinanggi ni Manila City Mayor Honey Lacuna na humingi sila sa gobyerno ng Sri Lanka ng bagong elepante na ilalagay sa Manila Zoo.
Kasunod ito sa pagkamatay ng sikat na elepante ng bansa na bigay ng gobyerno ng Sri Lanka na si Mali.
Ayon sa alkalde na kanilang nakausap lamang ang gobyerno ng Sri Lanka para ipaalam ang pagpanaw ni Mali noong Disyembre.
Dagdag pa nito na kung sakaling ipagkaloob sa kanila ng gobyerno ng Sri Lanka ang isang elepante ay malugod nila itong tatanggapin.