Dumulog sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group si transport group Manibela President Mar Valbuena upang ipa-blotter si Department of Transportation Sec. Jaime Bautista.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa kasalukuyang kontrobersiya na bumabalot sa ilang matataas na opisyal ng DOTR at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ayon kay Valbuena, nag-ugat ang kaniyang pagpapablotter laban kay Bautista nang dahil sa umano’y mga pagbabanta nito na magsasampa ng kaso laban sa kaniya.
Ito ay matapos na ibulgar ng isang whistleblower na si Jeff Tumbado na nagdedeliver umano ng pera si suspended LTFRB chair Teofilo Guadiz III sa kalihim.
Kung maaalala, una na ring inanunsyo ni Valbuena na magsasagawa ng malawakang tigil-pasada ang kanilang grupo bilang pagtuligsa sa umano’y mga katiwalian ng naturang mga opisyal.