-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang mangingisda sa San Francisco, Quezon matapos itong pagtatagain.

Kinilala ang biktima na si Serafin Buskas, 30, residente ng Barangay Don Juan Vercelos sa nasabing lalawigan.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, sumisigaw ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang lapitan ito ng suspek na kinilalang si Maximino Monato, 53-anyos, at residente ng Barangay San Salvador Baras, Rizal. 

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na naging dahilan para kumuha ng itak ang suspek at bigla na lamang nito pinagtataga ang bikitma. 

Dahil dito, nagtamo ng tama sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Buskas na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal. 

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.