-- Advertisements --

Naniniwala si National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na maaaring hindi maipatupad sa bagong administrasyon ang mandatory vaccination laban sa COVID-19.

Aniya, nananatili pa rin na experimental ang mga bakuna.

Hindi dapat magmadali dahil kailangang i-analyze ang mga data.

Samantala, naniniwala si Herbosa na magiging maayos ang paglipat sa bagong administrasyon dahil hindi lahat ng tauhan ng gobyerno ay papalitan.

Sinabi ni Herbosa na ang buong tugon ng gobyerno ay mananatiling pareho.

Idinagdag pa nito na ang pagpapatuloy ng programa ng bakuna ng kasalukuyang administrasyon ay magiging mahalaga sa unang 100 araw ng susunod na administrasyon.